Relaks ka lang! Sa bahaging ito, masusubok kung ano na ang alam mo tungkol sa pagbuo ng
talata. Huminga ka muna nang malalim at sagutin mo
ang kasunod na gawain
Gawain 1. KAISIPA'Y ATING TUKLASIN
Panuto: Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong sa
ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
(1) Likas sa kaugalian nating Pilipino ang pagtulong sa kapwa saan man tayo
mapadpad (2) Ito na ang ating namana at ugaling nakagisnan.(3)Sa kabila ng mga
pagsubok na ating hinaharap, naging matatag at naroon pa rin ang bayanihan
upang masugpo ang hirap na nararanasan natin. (4) May nagbibigay ng mga
donasyon, serbisyo, o oras para maibahagi ang tulong para sa nangangailangan.
(5) Nagsisilbi itong pundasyon at pagkakilanlan nating Pilipino.
1. Ano ang pinapaksa ng talata?
A pagtutulungan
B. pagmamahal
C. pagkakaisa
D. pagtitiwala
2. Aling kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa talata?
A pagmamano
C. pagbibigay ng donasyon
B. bayanihan
D. pagpapasalamat
3. Alin sa sumusunod ang pangunahing kaisipan ng talata?
A. Pangungusap 1
C. Pangungusap 4
B. Pangungusap 2
D. Pangungusap 5